Isinailalim ng PAGASA sa signal number 1 ang 15 lugar sa iba't-ibang bahagi ng bansa matapos pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong #KristinePH nitong Lunes, October 21.
Inaasahan naman ng ahensya na lalakas pa ang bagyo sa mga susunod na araw at posibleng mag-landfall sa hilagang-silangan bahagi ng Cagayan.